Home METRO 2 rapist at 1 pang TMWP sa Isabela, arestado

2 rapist at 1 pang TMWP sa Isabela, arestado

SAN PABLO, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang dalawang akusado sa panggagahasa at isang pang-aabusong sexual ng tinaguriang Top Most Wanted Person o TMWP sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa tatlong bayan dito sa lalawigan ng Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Jay-ar Olya-on, hepe ng San Pablo Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay tinaguriang Top 4 Most Wanted Person provincial level ang akusadong si Lolong sa kasong Statutory Rape sa Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela.

Isa ring estudyante ang akusadong si alyas Andree na tinaguriang Top 9 Most Wanted Person Provincial Level sa kasong RA 8353 (Anti-Rape Law), (3 counts) ang nahuli ng pulisya sa Brgy. Muñoz West, Roxas, Isabela.

Naaresto ang dalawang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte na walang kaukulang piyansa para sa kanilang paglaya.

Samantala, matagumpay na naaresto ng pamunuan ni PMaj. Rassel Tuliao, hepe ng Angadanan Police Station ang isang self-employed na si alyas Nico na kabilang sa most wanted person sa Brgy. Centro 3, Angadanan, Isabela.

Sa warrant of arrest na inilabas ng korte laban kay alyas Nico ay akusado sa (3 counts) sa kasong child abuse na posibleng makalaya kung makapagpiyansa sa halagang P200,000 bawat isang kaso nito.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco