Home METRO Bangkay ng nene lumutang sa misteryosong ilog sa Bulacan

Bangkay ng nene lumutang sa misteryosong ilog sa Bulacan

Bulacan – Isang bangkay ng hindi nakilalang batang babae ang natagpuang nakalutang kasama ang mga basura sa isang ilog sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Ayon sa Facebook post na nagviral nitong Biyernes ng hapon, ang biktimang teenager ay nakasuot ng pantalong itim, damit na neon green at sandals.

Sa impormasyong nakalap mula sa mga netizen, natagpuan ang bangkay at nailikas ng mga rescuer sa isang ilog malapit sa Phase 8A, Brgy. Sto. Cristo.

Hinala ng mga residente na tinangay lamang ang biktima mula sa tapat ng isang planta sa road 1 dahil sa lakas ng agos papunta sa nasabing ilog.

Agad naman dinala ang kalunos-lunos na bangkay ng biktima na may mga galos sa ibat-ibang parte ng katawan sa kalapit na punerarya.

Sinasabing marami na ang nagbuwis ng buhay sa binansagang makasaysayang ilog, base na rin sa salaysay ng mga residente.

Bumuhos naman ng pakikiramay mula sa mga netizen sa pamilya ng biktima. Dick Mirasol III