Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

MANILA, Philippines- Patuloy na makaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa western section ng Southern Luzon ngayong Lunes at magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Palawan ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa monsoon.

Makararanas naman sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa Southwest Monsoon.

Nagbabadya sa Eastern Visayas, Surigao del Norte, at Dinagat Islands ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Samatala, asahan sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging “slight to moderate” sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:29 ng umaga at lulubog ng alas-6:28 ng hapon. RNT/SA