Home ENTERTAINMENT Heart, nakunan na naman!

Heart, nakunan na naman!

Manila, Philippines- Makadurog-puso ang post ni Heart Evangelista nitong mismong

Mother’s Day, May 12 nang ibalita niyang nakunan na naman siya ilang araw lang ang nakakaraan.

Aniya, it would have been her and her husband Francis “Chiz” Escudero’s fourth angel.

Kambal na boys ang inaasahan sana ng 39 anyos na actress-fashion icon.

Tinawag nga ni Heart na “FrancisKo” ang unborn child na tumigil daw sa pagpintig ng puso.

Batid daw ni Heart na takot ito na isipot sa “scary world,” pero pinaghandaan daw niya ang pagsilang dito.

Hindi napigilan ni Heart na maging heartbroken, at nakuha pang gumawa ng liham para sa kanyang “FrancisKo.”

Kung matatandaan, May 2018 nang mabalitang nagdadalantao nang kambal si Heart.

Babaeng kambal ang inaasahang iluluwal noon ni Heart ngunit isa roon ay hindi pinalad na mabuo.

Nang sumunod na buwan, June, nang malungkot na ibinalita ni Heart that she lost the last twin.

“Sophia Heart” dapat ang ipapangalan niya roon.

Magugunitang February 15, 2015 nang ikasal sina Heart at Chiz sa Balesin, Quezon. Ronnie Carrasco III