Home ENTERTAINMENT Cristy, pinagreretiro ni G!

Cristy, pinagreretiro ni G!

California, USA – Mukhang made-deflect ang isyu kay G Toengi sa mga susunod na araw matapos mag-post ang dating aktres ng “payo” para kay Cristy Fermin.

Post ni G na nakabase na sa Amerika: “Christy Fermin, retire. It’s time!”

Kapuna-punang mali ang pagkaka-spell ng dating Viva artist ng first name ng beteranang manunulat.

Gayunpaman, obyus na patungkol ito sa radio at online program host na of late ay nahaharap sa magkakasunod na demanda.

Obyus namang ang pinanggagalingan ng panawagan ni G, ang mga kaso ng cyber libel ni Cristy.

Nauna nitong March nang sampahan ni Esther Lahbati, ina ni Sarah, ng demanda si Cristy.

Nitong May lang, ilang araw lang ang pagitan ng pagpa-file ni Bea Alonzo ng cyber libel case laban kay Cristy.

Sumunod ay ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Idinaan naman sa biro ng respondent (Cristy) ang kanyang reaksyon, saying na pataas daw nang pataas ang level ng mga nagdedemanda sa kanya.

Pabirong tanong niya ay kung ang Hollywood actress na si Julia Roberts na ba ang susunod?

Samantala, may ilang sumang-ayon kay G sa pakiusap niyang magretiro na si Cristy sa larangan ng pamamahayag.

Ilan sa mga ito’y: “Jail time first. Himas rehas muna!”

Another netizen shares G’s sentiment dahil na rin daw sa patung-patong ng mga kasong kinakaharap ni Cristy.

Still another netizen opines: “It’s about time she retired!”

Makailang beses nang sinabi ni Cristy na ang libel o cyber libel ay kakambal na ng trabaho ng bawat manunulat.

Exciting abangan ang resbak ni Cristy kay G! Ronnie Carrasco IIi