Home METRO Convenience store hinoldap ng 3 rider

Convenience store hinoldap ng 3 rider

129
0

MANILA, Philippines – Tatlong rider na sakay ng dalawang motorsiklo ang kasalukuyang pinaghahanap makaraang holdapin at tangayin ang hindi pa malamang halaga na kita ng isang convenience store sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Dasmarinas City, Cavite.

Base sa paglalarawan, sakay umano ang dalawang suspek ng isang Honda na kulay itim na may kombinasyon ng pula habang Yamaha na kulay itim naman ang gamit ng isa pang suspek sa panghoholdap sa 7/11 Convenience store sa nasabing lugar.

Ayon sa empleyado na sina alyas Rhyan at alyas Joan, pumasok sa tindahan ang isa sa suspek na nagkunwaring customer bandang alas-3:27 ng madaling araw pero nang pumasok ang dalawa pa, dito na naglabas ng hindi nabatid na kalibre ng baril, nagdeklara ng holdap at puwersahang kinuha ang cash sa cashier counter.

Matapos matangay ang pera ay sumakay ang mga suspek sa dalawang motorsiklo na nakaparada sa labas ng tindahan at pinaharurot sa direksiyon ng Brgy Salitran ng nasabing lugar.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng cash na natangay ng mga suspek habang nagsasagawa ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanlan sa mga suspek. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here