Home NATIONWIDE Alice Guo inalis na sa NPC

Alice Guo inalis na sa NPC

MANILA, Philippines – Inalis na ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa Partido political kasunod ng mga reklamong inihain laban sa alcalde sa pagkakaugnay nito sa nilusob na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa nasabing bayan.

“In view thereof, I will be directing our Secretary General, Sec. Mark Llandro Mendoza to implement the said order and immediately inform Mayor Guo of her removal from the party,” saad sa liham ni NPC chairman Vicente “Tito” Sotto III na inilabas nitong Linggo, Hunyo 23.

Ang pag-alis kay Guo sa NPC ay bilang tugon sa petisyon ni Tarlac Governor Susan Yap na inihain noong Hunyo 17.

Unang pinalutang ng NPC member na si Senador Sherwin Gatchalian ang ideya ng pagpapatalsik kay Guo.

Nitong Biyernes, naghain ng reklamo ang mga awtoridad laban kay Guo dahil sa human trafficking na may kaugnayan sa illegal POGO hub sa kanyang nasasakupan.

Mahigit 800 Filipinos at mga dayuhan ang nasagip sa POGO hub sa Bamban. RNT/JGC