Home METRO Lolang wanted sa Leyte, arestado sa Caloocan

Lolang wanted sa Leyte, arestado sa Caloocan

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Leyte sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ani Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station (SS4) hinggil sa kinaroroonan ng 69-anyos na lolang akusado.

Bumuo ng team ang SS4, kasama ang NDIT- RIU NCR RID-8 Tracker team CIT- Tacloban RIU8 saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa lolang akusado, dakong alas-9:20 ng gabi sa Libis Nadurata, Brgy. 18.

Ang akusado ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nisyu ni Presiding Judge Irene T. Ponejos ng Tacloban City, Leyte RTC Branch 7 noong May 2, 2024, para sa paglabag sa Section 10 (A) of RA 7610, Qualified Trafficking under sec 4(A) (Child Abuse Act) in relation to section 6A(A) of RA 9208 Trafficking in persons under section 4(A) of RA 9208.

Pansamantalang nasa kustodiya ng ng Caloocan City Police Station ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. Rene Manahan