ROXAS, Isabela – Nahuli sa pagbebenta ng illegal na droga ang isang mister sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Sitio Benito Road, Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.
Sa mahigpit na direktiba ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay nahuli si alyas Jong ng pulisya at sa koordinasyon ng PDEA R02.
Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) pakete ng ponaniwalaang shabu (Buy-bust item), isang (1) pakete ng shabu (Possession); isang (1) genuine P1000.00 (buy-bust money); isang (1) wallet at
cash money na nagkakahalaga ng P255.00.
Nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco