Home METRO 2 rider patay sa motor na sumalpok sa tractor

2 rider patay sa motor na sumalpok sa tractor

104
0

LUCENA CITY- Patay ang dalawang motorcycle riders nitong Martes matapos bumangga ng kanilang sasakyan sa nakaparadang tractor sa bayan ng Candelaria sa lalawigan ng Quezon, base sa mga pulis.

Binabaybay ng motorsiklo, sakay ang hindi natukoy na driver at backrider factory worker na kinilalang si Emerson Alviso, 21, ang kahabaan ng Maharlika Highway bandang alas-2:15 ng madaling araw nang bumangga ang kanilang sasakyan sa nakaparadang tractor head sa gilid ng kalsada sa Barangay Masin Norte, batay sa spot report mula sa Quezon police.

Agad binawian ng buhay ang dalawang rider.

Hindi tinukoy sa ulat kung ang nakaparadang tractor head na minamaneho ni “Don” ay may early warning device upang alertuhin ang mga papalapit na sasakyan.

Isinailalim si Don sa kustodiya ng polisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here