Home METRO Kita ng Alfamart nilimas ng 2 rider!

Kita ng Alfamart nilimas ng 2 rider!

142
0

MANILA, Philippines- Muli na namang umatake ang riding-in-tandem na nangholdap sa isang sangay ng isang convenience store at nilimas ang kita nito sa Brgy. Mambog 2 Bacoor City, Cavite.

Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo, nakasuot ng kulay itim na helmet, itim na cap, itim na face mask, blue na pantalon at itim na sapatos habang ang kasama nito ay naka-blue na helmet, brown gray na jacket, blue na pantalon, at brown na tsinelas.

Ayon sa report, bandang alas-6:30 ng gabi nang pumasok ang isa sa mga suspek sa Alfamart Convenience Store sa AMI Mambog 2, ng nasabing lugar at nagpanggap na customer habang ang kasama nito ay nagsilbing look-out sa labas ng tindahan.

Nang napunang walang customer, lumapit ang suspek sa Shift Leader na si alyas Angelica, naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap.

Inutusan pa ng suspek ang shift leader na kunin ang pera sa drawer at inabot ang tinatayang P6,000 cash.

Kaagad na lumabas ang isa sa mga suspek at sumakay sa motorsiklo ng naghihintay na kasama at tumakas sa direksyon ng Imus City, Cavite.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa Closed Circuit television (CCTV) sa posibleng dinaanan ng mga suspek at pagkakakilanlan ng mga ito. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here