Home METRO Sariling bahay sinunog ng selosong mister!

Sariling bahay sinunog ng selosong mister!

130
0

NUEVA VIZCAYA- Sinunog ng isang lasinggero at selosong mister ang sariling bahay sa Brgy. Lamo, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Emilio Rivera, 47-anyos, may kinakasama at residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na rumesponde ang pinagsanib na pwersa ng Dupax del Norte Police Station at BFP-Dupax Del Norte hinggil sa naitalang sunog.

Bago ang insidente ay nasa impluwensya umano ng nakalalasing na inumin ang suspek at nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang kinakasama dahil sa pagseselos nito.

Habang nasa kalagitnaan ng pagtatalo ay umawat ang nanay ng suspek na si Rosita Rivera at sinabihan ang anak na tumigil na ito.

Ngunit sa halip na tumigil ay nagalit ang suspek saka siya umuwi sa kanilang bahay at dito na umano nito sinunong ang kanilang tahanang gawa sa light materials.

Dahil dito ay tinupok ng apoy ang bahay at ilang personal na gamit na nasa loob na umaabot sa mahigit kumulang P15,000 ang halaga.

Naapula naman agad ang sunog at inahahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek na agad tumalilis ng takbo. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here