Home METRO 2 rider patay sa pagbangga sa bahay sa Quezon

2 rider patay sa pagbangga sa bahay sa Quezon

127
0

MANILA, Philippines – DEAD on arrival ang dalawang hindi nakikilalang lalaking rider matapos na aksidenteng bumangga sa concrete wall ng isang bahay, kahapon, Abril 5 sa kahabaan ng Maharlika Highway Barangay San Isidro Atimonan, Quezon.

Ang mga biktima na kapwa mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan, subalit idineklarang patay na nang dumating sa QPHN Doña Martha Hospital sanhi ng mga tinamong sugat sa ulo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Atimonan Municipal Police Station dakong alas-3:30 ng madaling-araw kahapon, pawang walang suot na helmet ang dalawang magka-angkas na biktima sakay ng motorsiklo.

Napag-alaman na kasalukuyang tinatahak ang Maharlika Highway nang bigla umanong mawalan kontrol sa pakurbang kalsada at aksidente itong bumangga sa concrete wall ng isang bahay.

Nabatid sa ulat na dalawang hindi nakikilalang biktima na pawang nakasuot ng kulay puti at gray t-shirt at short pants bukod dito ang driver ng motorsiklo ay wala ring driver’s license. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here