MANILA, Philippines- Patay ang dalawang Russian habang nagi-scuba diving sa Verde Island, Batangas nitong Huwebes, ayon sa Coast Guard Batangas.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, apat na Russians ang nagi-scuba diving sa bahagi ng Pulong Bato nang bigla silang tangayin ng malakas na alon.
Nakaalis ng tubig ang dalawa sa kanila, habang nawala ang dalawa pa.
Natagpuan ang isa sa nawawalang Russian divers at dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.
Makalipas ang ilang oras, nakita na rin ang katawan ng isa pang nawawalang Russian diver na nawalan ng isang kamay sa hinihinalang pag-atake ng pating, base sa Coast Guard. RNT/SA