Home METRO P1.2M illegal petroleum products nasabat sa OrMin

P1.2M illegal petroleum products nasabat sa OrMin

MANILA, Philippines- Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 21,000 litro ng ilegal na diesel petroleum products na nagkakahalaga ng P1.26 milyon sa Oriental Mindoro.

Inihayag ni CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III nitong Huwebes na ang suspek, kinilala bilang si Rommel, ay nahuling nagbebenta at nagkakalakal ng petroleum products sa Barangay Del Pilar, sa bayan ng Naujan noong Feb. 21.

Ani Torre, agad nagsagawa ang CIDG Oriental Mindoro Provincial Field Unit agents ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Inihahanda na umano ang kaso laban sa suspek na paglabag sa sa Batas Pambansa 33 (Act defining and penalizing certain prohibiting acts inimical to the public interest and national security) at Republic Act 11592 (LPG Industry Regulation Act).

“We urge the public to report illegal trading and activities involving petroleum products, economic sabotage, and all criminalities, the CIDG will do the rest,” panawagan ni Torre. RNT/SA