Home HOME BANNER STORY 2 sakay ng sasakyan na tinangay ng baha sa Caloocan ‘di pa...

2 sakay ng sasakyan na tinangay ng baha sa Caloocan ‘di pa rin natatagpuan

269
0

MANILA, Philippines – PATULOY na hinahanap ng mga otoridad ang dalawang sakay ng isang multi-purpose vehicle (MPV) na iniulat na tinangay ng malakas na agos ng baha Lunes ng gabi, Hulyo 21 sa Caloocan City.

Sinabi ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na hindi sila titigil hangga’t hindi nahahanap ang isang babae at isang lalaki na sakay ng itim na Mitsubishi Xpander na tinangay ng malakas na agos ng tubig baha patungo sa kanal sa Dona Aurora sa Brgy. 177 sa Camarin sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Napag-alaman na mataas at malakas na ang ragasa ng tubig-baha sa lansangan nang tangkain pa rin itong tahakin ng driver ng MPV hanggang sa lumutang at tinangay na ng agos patungo sa kanal sa Dona Aurora.

Ilang mga residente ang nagtangka pang iligtas ang dalawang sakay ng MPV subalit nabigo na rin sila nang tuluyang tangayin ito ng malakas na agos.

Makaraang ang mahigit isang oras, nakuha ng Rescue Team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang sasakyan sa ilalim na ng Durian Bridge na ayon sa alkalde ay may kalayuan na mula sa pinaghulugang kanal sa Dona Aurora.

Tanging sasakyan na lamang ang nakuha ng rescue team at wala na ang dalawang sakay nito na patuloy pa ring hinahanap ng mga tauhan ng CDRRMO, katuwang ang iba pang ahensiya ng pambansang pamahalaan. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here