Home TOP STORIES Abugado: Si Risa lang itira sa Senado

Abugado: Si Risa lang itira sa Senado

258
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang abogado na buwagin na lang ang Senado at itira si Senadora Risa Hontiveros kasunod ng isyu ng umano’y budget insertion ni Senate President Chiz Escudero.

Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Jesus Falcis, na maaari namang buwagin ang Senado, bukod kay Hontiveros, dahil pareho lang ang tungkulin nito sa Kamara.

“Abolish pork barrel or abolish Senate? Charot! Open bicam proceedings muna para walang secret budget insertions,” wika ni Falcis sa kanyang post.

“Pero pwede din abolish Senate – except for Senator Risa Hontiveros, karamihan diyan redundant lang naman functions sa Congressmen (which is chiefly to legislate,” dagdag pa niya.

Ang budget insertions na binanggit ni Falcis ay pasaring kay Escudero, na napabalitang nagpasok ng malaking pondo sa 2025 national budget na ibinigay nito sa mga kaalyadong senador.

Sa ulat, nagpasok si Escudero ng 142.7 bilyon sa panukalang ₱6.3-trilyong 2025 national budget, para mapondohan ang mga kuwestiyonableng infrastructure at flood control projects.

Napunta ang karamihan sa insertion ni Escudero sa kanyang mga kaalyado at kanilang mga balwarte. Ang Bulacan, na kilalang balwarte ni Sen. Joel Villanueva, ay nakakuha ng ₱12.08 bilyon.

Nakatanggap naman ang Sorsogon, na lalawigan ni Escudero, ng ₱9.1 bilyon.

Nakakuha rin ng pondo ang Mindoro (₱8.37 bilyon), Batangas (₱7.32 bilyon), Davao (₱7.2 bilyon), Misamis Occidental (₱6.5 bilyon), Quezon (₱5.9 bilyon), Cavite (₱5.6 bilyon), Valenzuela City (₱4.251 bilyon), at Cebu (₱4 bilyon).

Sa nasabing halaga, P17 bilyon ang inilaan para sa flood control projects.

Si Falcis ay kilalang kaalyado ni Hontiveros, na nagpahayag na ng intensiyong tumakbo bilang pangulo sa 2028 elections. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here