Home NATIONWIDE 2 sasakyang-pandagat nagbanggaan

2 sasakyang-pandagat nagbanggaan

MANILA, Philippines – Kabuuang 23 indibidwal ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa banggaan ng motorbanca at tourist boat sa bisinidad baybayin ng Consuelo, Cantilan, Surigao del Sur.

Base sa imbestigasyon, ang insidente ay sanhi ng miscommunication sa vessel signaling.

Ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Cantilan ay nagsasagawa ng coastal security patrol nang mangyari ang insidente dahilan para maglunsad agad ng Search and Rescue (SAR) operation.

Kasama sa nasagip ay binubuo ng 16 pasahero, isang tourist boat captain, isang tourist boat crew, isang motorbanca captain at apat na motorbanca crew members.

Isa sa pasahero ng tourist boat ay nagtamo ng minor injury at dinala sa pinakamalapit na ospital para sa medical treatment.

Ang iba sa nasagip na indibidwal ay nasa mabuti namang kondisyon.

Ang mga operators ng motorbancas ay sumang-ayon sa isang kasunduan na inaako ang responsibilidad para sa mga pinsala ng kanilang bangka.

Sinagot din nila ang mga gastusin sa pagpapagamot ng nasugatang pasahero.

Pinaalalahanan ng CGSS Cantilan ang parehong mga operator na sundin ang mga hakbang sa pag-iingay bago at sa panahon ng paglalakbay upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden