MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa pagbabawal sa paglabas ng pondo ang gobyerno para sa mga proyekto na may kinalaman sa public works at social services, 45 araw bago ang halalan.
Ito ay alinsunod sa Omnibus Election Code.
Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, pinapayagan ng Comelec ang nasabing exemptions na sa kanilang palagay ay hindi naman pamumulitika at talagang proyekto na nakalagay sa budget at matagal na ring naplano.
Ayon kay Garcia, ang mahirap na proyekto ay naisip lang ng pulitiko dahil siya ay tumatakbo.
Sinabi ni Garcia na hindi magiging balakid at hindi pipigilan ng Comelec ang pagbibigay ng pagbibigay ng tulong sa ating kababayang mahihirap tulad ng scholarship, pangtawid pamilya, pangtawid sa gutom, burial services basta dapat maging maliwanag ang hihingin sa Comelec na pahintulot o exemption kung paano ito isasagawa.
Dapat ding nakalahad kung sino ang benispisyaryo, magkano ang gagamitin at dapat wala ang pulitiko sa distribusyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden