Home NATIONWIDE Road traffic incidents noong holiday season, tumaas sa 638

Road traffic incidents noong holiday season, tumaas sa 638

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado, Enero 4 ng 32 bagong road traffic incidents ngayong holiday season.

Dahil dito ay umabot na sa 638 ang kabuuang bilang ng mga insidente sa naturang panahon.

Sa nasabing bilang, 117 ang dahil sa drunk driving, 533 ang dahil sa hindi paggamit ng safety accessories, at 452 ang motorcycle accidents.

Nananatiling nasa pito ang bilang ng mga nasawi kung saan apat ay dahil sa aksidente sa motorsiklo.

Ang datos ay nakolekta mula sa walong pilot sites na namonitor ng DOH mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 4, 2025.

“PAALALA LALO NA NGAYONG WEEKEND—WAG MAGMANEHO NANG NAKAINOM NG ALAK Sa kabila ng paulit-ulit na paalala, marami pa rin ang nagmaneho nang nakainom sa kabila ng panganib nito,” babala ng DOH. RNT/JGC