Home METRO 2 sekyu timbog sa pagtutulak

2 sekyu timbog sa pagtutulak

264
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang security guards na itinuturing na High Value Individuals o HVI matapos mahuli sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga o buy-bust operation sa Brgy. Tuao North, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa direktiba ni PCol. Paul Bometivo, Acting Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO sa pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga ay naaresto ang dalawang suspek na sina alyas Roy, 20 anyos at Antonio, 46 parehong security guards at residente ng San Isidro at Cauayan City, Isabela.

Napag-alaman ang dalawang suspek ay nagbebenta ng illegal na droga sa mga bayan ng Bambang, Solano, Villaverde, Bagabag, Bayombong dito sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at karatig probinsiya ng Ifugao.

Nabili sa mga suspek ang 1.17 gramo ng hinihinalang shabu sa halagang P8,000.00 at 4.16 na gramo pa ang nakuha sa kanilang posesyon na tinatayang nagkakahalaga sa mahigit P36,000.00.

Maliban sa illegal na droga ay narekober ang isang 9 mm na baril na walang kaukulang dokumento.

Nahaharap ang dalawa sa paglabag ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa R.A 10591 dahil sa dalang hindi lisensyadong baril. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here