MANILA, Philippines – Dalawang magkapatid na senior citizen ang nasawi, samantalang dalawang mag-asawa ang nakaligtas nang mabagsakan ng kanilang bahay matapos matabunan ng gumuhong lupa dulot ng landslide sa Sitio Aluhin Maliit, Barangay San Lorenzo, Mauban, Quezon.
Kinilala ang magkapatid na dead on arrival sa Mauban District Hospital na sina Divina Sangcap, 69, at Leon Ismae, 62, samantalang pansamantalang ginagamot ang mag-asawang sina Teddy at Roselyn Trinidad, kapwa naninirahan sa nabanggit na lugar.
Base sa report ni PMaj. Hubert Jabrica, hepe ng Mauban Police Station, dakong alas-8:40 ng gabi nang maganap ang landslide na naging sanhi ng pagguho ng lupa at pagkatabunan ng bahay ng mga biktima dulot ng malakas na ulan. Ellen Apostol