MANILA, Philippines – Handang tumestigo laban sa self-appointed son of God na si Pastor Apollo Quiboloy ang dalawa sa lima umanong biktima ng sex slavery ng lider, sinabi ng Davao City Police nitong Biyernes, Setyembre 13.
“Doon sa five, ang dalawa ang decided talaga na mag-testify. Yung tatlo nag-iisip pa,” pahayag ni Davao City Police chief Police Colonel Hansel Marantan sa panayam ng DZBB.
“We cannot force them kasi by forcing them baka they might be reminded of Quiboloy ka pala e, fino-force mo kami,” dagdag pa niya.
Ani Marantan, patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga biktimasa tulong na rin ng ilang mga eksperto sa kanilang sitwasyon.
Aniya, ginamit ni Quiboloy ang mga menor de edad bilang sex slaves nito. Mayroon pang ang edad ay 12 taong gulang lamang.
Idinagdag pa na may iskedyul ng pakikipagsex si Quiboloy sa mga menor de edad na ito.
“At the average, 12 to 13 years old na nag-start sila as, well I call it sex slaves, sex slaves sila ni Quiboloy. Kasi grabe ang attraction ni Quiboloy sa mga minors na ito, that is why I called him a pedophile,” sinabi pa ni Marantan.
Samantala, sinabi rin na mayroong 15 pang menor de edad na kailangang masagip sa loob ng KOJC compound sa Davao City.
“Sabi ko, 15. Meron akong listahan noong we were about to assault the Bible study building,” dagdag pa.
Ayon kay KOJC legal counsel Atty. Israelito Torreon, ang mga ito ay alegasyon pa lamang at kailangang imbestigahan.
“Those are still in the realm of allegations which have yet to be investigated, hence, we appeal to the PNP NOT to subject the said new allegations to so much publicity,” mensahe ni Torreon.
“After all, presumption of innocence is an important hallmark in our Bill of Rights, hence, we earnestly request the PNP to stick to that fundamental principle in our rule of law,” dagdag pa niya. RNT/JGC