MANILA, Philippines – Good news na naman sa mga motorista!
Posible na naman ang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Rodela Romero, Department of Energy Oil Industry Management Bureau assistant director, ang paghina ng global demand ang dahilan ng oil price adjustment.
Posible umano ang P0.90 hanggang P1.20 kada litro na bawas sa presyo ng gasolina, P1.30 hanggang P1.60 sa kada litro ng diesel, at P1.50 hanggang P1.65 kada litro na bawas sa presyo ng kerosene.
Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw. RNT/JGC