Home NATIONWIDE 2 simbahan sinalakay ng mga tulisan sa Bulacan

2 simbahan sinalakay ng mga tulisan sa Bulacan

155
0

Bulacan – Nanawagan ang kinauukulan na ibalik ang mga ninakaw na mga sagradong kagamitan ng Patrong si San Miguel Arkanghel sa simbahan ng bayan ng San Miguel.

Sa opisyal na pahayag ng Diyosesis ng Malolos, Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Miguel Arcangel, Poblacion, San Miguel, natuklasan ang pagnanakaw bandang 9:00 ng umaga nitong Abril 4.

Ayon sa pahayag, ang mga ninakaw na gamit ng Sakdal Giting na Patrong San Miguel Arkanghel ay ang pakpak, kalasag, sibat at espada na yari sa pilak, base na rin sa impormasyon.

Nabatid na ang mga alagad ng simbahan ay kasalukuyang nakikipagtulungan sa San Miguel Police station para sa agarang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Nanawagan din sila sa sinumang may impormasyon ay makipag-ugnayan sa kanila o sa mga awtoridad.

Nagsusumamo rin ang mga ito na igalang ang kabanalan nito at hangad na ligtas na pagbabalik ng mga sagradong kayamanang ito sa pintuan ng simbahan maging lihim man ito.

Kaugnay nito, iniulat na ninakaw din ang mga sagradong kagamitang kalis, ostensoryo at krusipiho mula sa simbahan o Parokya ng Mahal na Birheng Mapanglunas sa Sibul, San Miguel.

Nanawagan din ang mga alagad ng simbahan sa sinumang may kaalaman hinggil sa insidenteng ito o sa kinaroroonan ng mga nasabing gamit ay makipag-ugnayan sa pamunuan ng Parokya kaakibat ang pagpapahalaga at mananatiling kumpidensyal kung nanaisin.

Samantala, sa Facebook post ni Congressman Mark Cholo Violago, nasa P400,000 ang inilaang pabuya para sa makakapagturo sa kawatan bukod pa rito ang P200,000 mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng San Miguel para maibalik ang mga sagradong gamit. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here