Home NATIONWIDE 2 SoKor fugitives nasakote ng BI sa P’que

2 SoKor fugitives nasakote ng BI sa P’que

98
0

MANILA, Philippines – Inaresto sa Paranaque City noong Abril 22, 2025, ang dalawang South Korean fugitives na sina Kim Young Sam, 58, at Weon Cheolyong, 59, ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa investment scams.

Si Kim, na may deportation order mula pa noong Disyembre 2021, ay hinahanap din ng Interpol dahil sa mga pekeng operasyon sa cryptocurrency na nakapagsanhi ng higit sa 3 bilyong pisong panlilinlang sa 253 biktima sa South Korea.

Si Weon naman ay isang overstaying alien at hinahanap din sa Korea dahil sa ilang kaso ng investment fraud na nagdulot ng higit sa 17 milyong pisong pagkalugi.

Mananatili sila sa kustodiya ng BI hanggang sa kanilang deportasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here