MANILA, Philippines – Namataan ang dalawang Philippine tree squirrel (Sundasciurus philippinensis) na lokal na kilala bilang “kulagsing” sa kagubatan ng Ormoc City.
Nakita ang dalawa sa Biodiversity Monitoring sa Tongonan, Ormoc City sa Lalawigan ng Leyte noong Mayo 15, 2024.
Sinabi ni Ronelmar Aguilar, ang nag-upload ng video, na regular na silang nagsagawa ng information education campaign sa lugar mula nang mamataan nila ang mga squirrel.
Nagsagawa rin ng drone patrol para hikayatin ang mas maraming residente na protektahan ang ganitong uri ng daga.
Ang nasabing mga hayop ay matatagpuan sa Visayas tulad ng sa Bohol, Leyte, at Samar; at bahagi ng Northern Mindanao tulad ng sa Surigao. RNT