Home NATIONWIDE UPLB topnotcher sa May 2024 Chemical Engineers Licensure Exam

UPLB topnotcher sa May 2024 Chemical Engineers Licensure Exam

MANILA, Philippines – Nanguna ang isang University of the Philippines (UP) Los Baños graduate sa May 2024 Chemical Engineers Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nakamit ng topnotcher na si Miguel Bungalon ang iskor na 87.30%.

Si Patrick Garcia na pumangalawa na mula Mapua University Manila ay nakakuha ng 85.90% habang si Andrei Abiog na pumangatlo ng UP Diliman ay nakakuha ng 85.50% na rating.

Sinabi ng PRC na 640 sa 928 board takers ang nakapasa sa licensure examinations.

Parehong nakakuha ng 100% passing percentage ang UP Diliman at De La Salle University-Manila, na una sa mga top-performing na paaralan sa mga pagsusulit.

Maaaring ma-access ang kumpletong listahan ng mga pumasa dito: https://www.prcboard.com/may-2024-chemical-engineering-chemeng-board-exam-results/. RNT