MANILA, Philippines – Nakatanggap si Pangulong Marcos ng dalawang standing ovation at 125 rounds ng palakpakan sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex noong Lunes, Hulyo 22.
Nagkaroon ng malakas na impak sa mga manonood sa Batasan ang talumpati at deklarasyon niya ng karapatan ng bansa sa pinagtatalunang West Philippine Sea, at ang pagbabawal sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ang unang standing ovation ay ibinigay ng mga manonood nang banggitin ng Pangulo ang mga isyu sa teritoryo at maritime sa West Philippine Sea.
“Ang West Philippine Sea ay hindi kathang-isip lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hangga’t hindi nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas,” diin niya.
Ngunit ang pinakamalakas na palakpakan, pati na rin ang dumadagundong na pag-sigaw ng “BBM! BBM! BBM!” ay nang ipahayag ni Marcos ang pagbabawal sa operasyon ng POGO na epektibo ngayong araw, Hulyo 22.
“Kailangan nang itigil ang panggulo nito sa ating lipunan at paglalapastangan sa ating bansa. Effective today, lahat ng POGOs ay ipinagbabawal na,” anang Pangulo.
“I hereby instructed PAGCOR to wind down and cease the operations of POGOs by the end of the year,” dagdag pa niya.
Ang talumpati ni Marcos sa bansa ay tumagal ng 82 minuto o mahigit isang oras. RNT