Home NATIONWIDE 2 submarine target bilhin ng AFP

2 submarine target bilhin ng AFP

MANILA, Philippines – Nais ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makabili ng hindi bababa sa dalawang diesel-electric submarines bilang bahagi ng modernisasyon nito.

Ayon kay AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr., mahalaga ang pondo upang maisakatuparan ito sa ilalim ng Horizon 3 (2023-2028). Na-revise ang plano sa ilalim ng Re-Horizon 3, na inaprubahan noong Enero 2024 at tatagal ng 10 taon.

Inilaan ang PHP80 bilyon hanggang PHP110 bilyon para sa dalawang submarino, kabilang ang pasilidad at iba pang pangangailangan.

Binibigyang-diin ni Brawner ang kahalagahan ng submarino dahil sa pagiging arkipelago ng Pilipinas, ngunit inamin niyang kulang ang pondo kaya’t tinitingnan nila ang lokal at dayuhang financing. Santi Celario