Home NATIONWIDE Acts of service bilang love language mas aprub sa mayorya ng Pinoy

Acts of service bilang love language mas aprub sa mayorya ng Pinoy

MANILA, Philippines – Lumabas sa sarbey ng Social Weather Stations na 67% ng mga  Pilipino na nasa tamang edad ang mas pinipili ang acts of service bilang love language, tulad ng pagluluto, pamamalengke, at gawaing bahay.

Ayon kay sociologist Dr. Gerald Abergos, ito ay konektado sa paninilbihan, isang lumang gawi ng panliligaw kung saan ipinapakita ng lalaki ang pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod.

Ang iba pang nangungunang love languages ay words of affirmation at quality time (51%), pagbibigay ng regalo (33%), at physical touch (29%).

Lumabas din sa survey na 19% ng mga Pilipino ang mas nais makatanggap ng pagmamahal at kasama sa Araw ng mga Puso, na tinalo ang pera (10%) na nanguna noong nakaraang taon. Sa mga lalaki, ninanais din ang regalong mula sa puso (9%) at bulaklak (8%), habang sa mga babae, mas gusto ang pera (15%) at bulaklak (12%). Ang survey ay isinagawa sa 2,160 Pilipino sa buong bansa. RNT