MANILA, Philippines – Puno ng buhay at kulay ang Dangwa sa Maynila habang nagsisimulang dumagsa ang mga mamimili sa paghahanap ng mga perpektong bulaklak at panregalo para sa nalalapit na Araw ng mga Puso.
Dito, makikita ang iba’t ibang klase ng bulaklak, mga hindi magkamayaw na tindero na nag-aayos ng mga bulaklak, at mga masigasig na bumibili na handang magbigay ng mga simbolo ng pagmamahal sa kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pebrero 14. Crismon Heramis