Home METRO Welder timbog sa P13.6M tobats

Welder timbog sa P13.6M tobats

MANILA, Philippines – Arestado ang isang welder sa Cebu City matapos makuhanan ng P13.6 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation.

Nahuli ang 49-anyos na suspek na may dalang dalawang kilo ng shabu sa Sitio Kamanggahan, Barangay Labangon, bandang 1:35 a.m.

Pinangunahan ng PDEA, Naval Forces Central, at mga yunit ng pulisya ang operasyon.

Nakuha rin ang buy-bust money, packaging materials, cellphone, at motorsiklo ng suspek. Tatlong linggo siyang isinailalim sa surveillance matapos mapag-alamang nakakapagbenta siya ng kalahating kilo ng shabu kada linggo.

Inihahanda na ang mga kaso laban sa kanya. RNT