Home METRO 2 sugatan sa nakawalang kambing

2 sugatan sa nakawalang kambing

151
0

ILOCOS SUR – Sugatan ang driver at ang angkas nito matapos mabangga ng kanilang motorsiklo ang isang kambing na biglang tumawid sa national highway sa Brgy. Barbarit, Magsingal ng lalawigang ito kahapon ng madaling-araw, Oktubre 26.

Agad na dinala sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan ang 24-anyos na driver, lalaki, walang asawa, residente ng Brgy. Darao, San Juan, Ilocos Sur at ang 22-anyos na angkas nito, lalaki, walang asawa, residente ng Brgy. Refaro, San Juan, Ilocos Sur.

Base sa imbestigasyon, bumibiyahe papuntang timog ang naturang motorsiklo.

Pagdating nito sa pinangyarihan ng insidente, isang nakawala o pagala-galang kambing ang biglang tumawid sa highway galing ng silangan papuntang kanluran.

Dahil biglaan, hindi na nagawang iwasan pa ng driver ang biglang tumawid na kambing kaya nabangga nila ito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here