Home NATIONWIDE PRC nakatanggap ng donasyon mula Malaysia

PRC nakatanggap ng donasyon mula Malaysia

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng donasyon ang Philippine Red Cross mula Malaysia para sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding paghagupit ng bagyong Kristine sa bansa.

Ang mga opisyal ng Malaysian Embassy na pinangunahan ni Deputy Chief of Mission Mr. Norjufri Nizar Edrus, kasama ang mga kinatawan mula Malaysia Chamber of Commerce and Industries (MCCI), at Maybank ay iniabot ang donasyon sa PRC national headquarters sa Mandaluyong nitong Oktubre 25

Kasama sa mga donasyon ang 30 sako ng kilo ng bigas, 4 na box ng 400 lata ng sardinas, 1,008 packs ng instant noodles, at 14 boxes ng 1,008 packs ng pancit canton.

“We are immensely grateful for the generosity showcased by the Malaysian Embassy, Maybank, and the MCCI in this time of dire need. This donation will go a long way, ensuring families have food supplies when they are able to return and rebuild their homes or relocate to new ones. In the meantime, the PRC is providing hot meals to displaced people, especially those in evacuation centers, in 29 provinces struck by the storm,” sabi ni PRC Chairman and CEO Richard Gordon.

Umapela naman si PRC Secretary General Dr. Gwen Pang sa mga partners nito sa private at public sector na tulungan silang mapalakas ang kanilang pagsisikap at makapaglitas ng buhay sa gitna ng bagyo.

“The Red Cross has a proven record of providing immediate relief and essential support to affected communities, ensuring that aid reaches those who need it most. Their vast network of volunteers and resources enables them to respond quickly and effectively, which is crucial for helping communities recover and rebuild. Partnering with the Red Cross allows us to make a meaningful impact and to be part of a compassionate response that brings hope and resilience to those affected,” sabi ni Norjufri Nizar Edrus, ang Deputy Head of Mission ng Malaysian Embassy.

Patuloy namang nanawagan ng tulong ang PRC para sa mga nasalanta ng bagong Kristine sa bansa lalo na ang Bicol region.

Ang opisyal na bank account ng PRC ay makikita sa pamamagitan ng link na https://www.facebook.com/share/p/2avBC9gdAKusmWLF/. Jocelyn Tabangcura-Domenden