Home METRO 2 sugatan sa QC hall sa aksidenteng pumutok na baril ng jail...

2 sugatan sa QC hall sa aksidenteng pumutok na baril ng jail guard

MANILA — Dalawang katao ang sugatan matapos aksidenteng mabaril ng isang opisyal ng kulungan at pumutok ang kanyang armas sa Quezon City Hall nitong Lunes ng umaga, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Inilalagay umano ni Jail Officer 1 Joen Andarayan ang kanyang baril sa isang security checkpoint bago kumuha ng mga gift packs mula sa lokal na pamahalaan nang pumutok ang armas.

Tumama ang bala sa dalawang bystanders na agad namang dinala sa East Avenue Medical Center para magamot.

Si Andarayan ay kasalukuyang iniimbestigahan at nasa kustodiya ng pulisya sa Quezon City Hall Detachment.

 Muling pinagtibay ng BJMP ang kanilang pangako sa pagpapanatili ng pananagutan at mataas na pamantayan ng propesyonalismo sa mga tauhan nito. RNT