May karapatang tumanggap ng karagdagang sahod para sa dalawang araw ang mga manggagawa s aprubadong sektor na naka-duty o pumasok ng Disyembre 24, isang espesyal na araw at Miyerkules o Disyembre 25 ba Isang regular holiday.
Sa isang advisory, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang prinsipyong “no work, no pay” ay ilalapat sa Disyembre 25, maliban kung mayroong paborableng patakaran ng kumpanya, kasanayan, o collective bargaining agreement (СВА) na nagbibigay ng pagbabayad sa isang espesyal na araw.
Ang mga mangaggawa na nagtatrabaho sa araw ng Pasko para sa walong oras ay tatanggap ng 200% ng kanilang suweldo sa nasabing araw (basic wage x 200%).
Para sa trabahong ginawa ng higit sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng oras-oras na rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x number of hours worked).
Kung nagtrabaho sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng pangunahing sahod na 200 porsiyento (basic wage x 200% x 130%).
Para sa trabahong ginawa ng higit sa walong oras sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x 130% x bilang ng mga oras na nagtrabaho).
Kung hindi magtrabaho ang empleyado, tatanggap siya ng 100 porsiyento ng kanilang sahod para sa araw na iyon, sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa araw bago ang regular na holiday.
Kung ang araw bago ang regular holiday ay isang araw na walang pasok sa establisyimento o ang araw ng pahinga ng empleyado, siya ay may karapatan sa holiday pay kung ang empleyado ay nag-ulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa araw bago ang araw na walang pasok o araw ng pahinga (basic wage x 100%).
Sa kabilang banda, ang mga nag-ulat sa trabaho sa espesyal na araw ay makakuha ng karagdagang 30 porsyento ng basic wage para sa unang walong oras ng trabaho (basic wage x 130%).
Para sa trabahong ginawa nang higit sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw (Oras na rate ng pangunahing sahod x 130% × 130% x bilang ng oras na nagtrabaho)
Kung ginawa ang trabaho sa espesyal na araw na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang basic wage sa unang walong oras ng trabaho (basic wage x 150%).
Para sa mga nagtatrabaho ng higit sa walong oras sa espesyal na araw na pumapatak sa araw ng pahinga ng empleyado, siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 150% × 130% x bilang ng mga oras na nagtrabaho). (Jocelyn Tabangcura-Domenden)