ANGONO, Rizal — Dalawang lalaki ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang truck na may kargang softdrinks sa Don Mariano Santos Avenue sa Angono, Rizal nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa Angono Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, galing sa Antipolo City ang truck nang mag-overshoot ito sa isang kurbada sa boundary ng Barangay San Isidro at Barangay Mahabang Parang bandang alas-1:30 ng hapon.
Kargado ng softdrinks ang nasabing sasakyan nang mangyari ang insidente.
Agad na isinugod sa ospital ang driver at ang kanyang pahinante upang mabigyan ng paunang lunas.
Wala namang ibang sasakyan na nadamay sa aksidente. RNT