Home NATIONWIDE 2 sundalo, 3 sibilyan sugatan sa pagsabog ng granada sa Maguindanao del...

2 sundalo, 3 sibilyan sugatan sa pagsabog ng granada sa Maguindanao del Sur

5
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang sundalo at tatlong sibilyan sa pagsabog ng granada sa kalsada sa Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, nitong Sabado ng umaga, Hulyo 18.

Nakita sa CCTV footage ang mga sasakyan na bumibiyahe sa kalsada nang biglang lumiko ang isang motorsiklo na sinundan ng military vehicle.

Ilang sandali ay niyanig ng pagsabog ang lugar na sinundan ng serye ng mga putok ng baril.

Naganap ang insidente 6:30 ng umaga.

Ayon sa 6th Infantry Division (6ID), dalawang sundalong nakatalaga sa 2nd Scout Ranger Battalion ang sugatan sa pagsabog.

Mayroon ding tatlong sibilyan ang nasugatan matapos tamaan ng shrapnel.

Dinala na sa ospital ang mga ito at nasa stable na kondisyon.

“They [were] traversing the route from Cotabato City to South Cotabato area [when] they were attacked by two unidentified riding-in-tandem in the vicinity of Shariff Aguak,” sinabi ni 6ID spokesperson Lieutenant Colonel Ronald Suscano.

Ayon sa Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung kaninong grupo ang nagpaputok matapos ang pagsabog.

“Hindi pa kasi confirmed ngayon kung ano ‘yung side ang nagpaputok, kung sa Army lang or pati ‘yung mga personnel natin from the PNP and if nagputok din ‘yung mga suspects na hinabol natin,” sinabi ni PRO-BAR spokesperson Captain Steffi Salanguit.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang mga nasa likod nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo sa pag-atake.

Hinigpitan naman ang seguridad sa pagsisimula ng gun ban dahil ang election period para sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections ay nagsimula noong Huwebes, Hulyo 16.

“Pertaining to that security, very tight ‘yung security natin ngayon kasi nga nag-start na ang ating election period and meron na tayong gun ban, and ‘yung ating COMELEC checkpoint ay 24/7 all around sa BARMM,” ani Salanguit.

“Pinaigting natin ‘yung checkpoint operations natin. ‘Yung mga patrolling natin expected sa mga area tulad ng Shariff Aguak na na-identify natin na medyo hotspot even before the gun ban started. Nag-deploy tayo ng additional personnel na security requirement in that area,” dagdag naman ni Suscano. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here