Home METRO 2 sundalo patay sa tambang ng Dawlah

2 sundalo patay sa tambang ng Dawlah

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaigting ng 1st Infantry Division (ID) ng Army ang kanilang mga military operation laban sa mga armadong extremist group na sangkot sa pananambang noong Miyerkules na ikinamatay ng dalawang sundalo sa lalawigan ng Lanao del Norte.

Sa isang pahayag, kinondena ni Maj. Gen. Gabriel Viray III, 1ID commander, ang “duwag na pagkilos ng karahasan” na naka-target sa mga sundalo ng Army’s 51st Infantry Battalion (51IB).

“Nananatili kaming determinado sa aming pangako na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng aming mga tropa at mga lokal na komunidad na aming pinaglilingkuran,” sabi ni Viray.

Base sa ulat ng militar, ang 51IB intelligence unit troopers na sina Staff Sergeants Raul Pabuaya at Murphy Delos Santos ay parehong nasawi nang paputukan sila ng anim na miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group sa kalsada.

Hinabol ng armadong grupo ang mga biktimang nakamotorsiklo sa Main Supply Route mula Barangay Lininding, Piagapo, Lanao del Sur patungong Munai, Lanao del Norte. Santi Celario

Previous article4 paslit patay sa diarrhea outbreak sa Maguindanao
Next articleLTFRB: Pinal na listahan ng consolidated PUVs ilalabas sa Enero 8