Home NATIONWIDE 2 suspek sa pagpatay, paghalay sa Slovak tourist sa Boracay, arestado na!

2 suspek sa pagpatay, paghalay sa Slovak tourist sa Boracay, arestado na!

275
0

MANILA, Philippines – Naaresto na ang dalawang suspek sa pagpatay at paghalay sa isang Slovak tourist sa Boracay noong Marso.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga inarestong suspek na sina Rajel Lacorte, 29-anyos ng Barangay Balabag, at Ronald Saron, 38-anyos ng Barangay Yapak sa Boracay Island, Malay, Aklan.

Magkahiwalay na naaresto ang dalawa noong Oktubre 20 kung saan si Lacorte ay nahuli sa Barangay Nalook, Kalibo, habang si Saron naman ay naaresto sa Barangay Yapak sa Boracay.

Ayon sa Aklan Police Provincial Office, naging madali lamang ang pagsisilbi nila ng arrest warrant dahil sa ginawang pagsubaybay sa kanila.

Matatandaan na nawala ang biktimang Slovak national noong Marso 10, 2025, at nakita ang bangkay nito makalipas ang dalawang araw sa isang abandonadong chapel sa Boracay.

“Meron pong inilabas na warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 9 ng Kalibo, Aklan. Noong October 20, successfully na na-arrest ang dalawang suspects,” pahayag ni Police Captain Aubrey Ayon, spokesperson ng Aklan Police Provincial Office, sa panayam ng GMA News. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here