Home HOME BANNER STORY 2 tiklo sa pagtangay ng P93M sa isang doktor sa Marcos deepfake...

2 tiklo sa pagtangay ng P93M sa isang doktor sa Marcos deepfake video scam

360
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa Angeles City, Pampanga na sangkot umano sa isang investment scam gamit ang manipulated video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa mga suspek sa isang coffee shop.

Inaresto ang mga ito matapos na tanggapin ang marked money na umano’y umaabot sa mahigit P20 milyon.

Sinabi ng biktimang si Dr. Marie Faith Sagun-Villarta na naakit siya at nagtiwala sa mga suspek matapos na bigyan siya ng mamahaling mga regalo kabilang ang bag, relo, at dalawang sasakyan na mula umano kay Pangulong Marcos.

“That time mag pa-file ng candidacy yung mga politicians parang year 2024. Mag invest daw kami kasi kailangan ng funds and after manalo or after some time, magkakaroon ng dividends. Nag start siya ng mga 20% to 30%,” ani Sagun-Villarta.

Dahil dito ay nakapagbigay umano siya ng P93 milyon sa mga suspek sa loob lamang ng isang taon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong estafa, o swindling, sa pamamagitan ng false pretenses o fraudulent acts na may kaugnayan sa cybercrime.

“Anyone can see the difference between the President’s speech pattern and the individual in the subject video. It is without a doubt a deepfake… an AI generated video,” babala naman ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa naturang insidente.

“Hindi na ba sila nadala sa kagagawa ng fake video para sirain ang Pangulo? Magtrabaho na lang silang mga obstruction, at tumulong na lang sila sa Pangulo para mas mai-angat pa ang Pilipinas.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here