Home METRO 2 tiklo sa higit P1M shabu

2 tiklo sa higit P1M shabu

MANILA, Philippines- Arestado ng Rodriguez Municipal Drug Enforcement Team (MDET) nitong Martes ang dalawang indibidwal sa Dike 2, Barangay Balite, Rodriguez Rizal dahil sa ilegal na droga.

Ayon sa Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), kinilala ang mga suspek na sina “Karyo,” 43, at “Edelyn,” 34, kapwa residente ng Rodriguez, Rizal.

Dinakip sila sa isang drug buy-bust operation kung saan narekober ng mga pulis ang kabuuang P1,020,000 halaga ng shabu at iba pang drug paraphernalia.

Ayon sa mga pulis, naaresto na sina Karyo at Edelyn dahil sa ilegal na droga bago ang operasyon.

Dinala ang mga suspek sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa dokumentasyon at kasalukuyang nakaditene sa Rodriguez Custodial Facility. Mahaharap sila sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articlePNP: Higit 17K bata biktima ng karahasan, pang-aabuso noong 2023
Next articlePic ni Julia sa IG, paghahanda sa buhay may asawa?