MANILA, Philippines- Nakapagtala ang pamahalaan ng hindi bababa sa 17,600 child abuse cases noong 2023, base kay Council for the Welfare of Children Executive Director Angelo Tapeles nitong Huwebes.
Sinabi ni Tapeles na mayorya sa mga kaso ay paglabag sa Republic Act (RA) Number 7610 o ‘Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.’
Batay ito sa datos ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP WCPC).
“Nung 2023 po, batay sa datos ng PNP WCPC, mayroon pong 17,681 VAC (violence against children) cases,” ulat niya sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing.
Binanggit din ni Tapeles na sa ikatlong quarter ng 2023, mayroong hindi bababa sa 1,000 bata ang biktima ng Online Sexual Abuse o Exploitation of Children.
“Mga 300 plus ang kanilang kinakasuhan ngayon po,” aniya.
Subalit, kung sa datos ang center hinggil sa conviction rate ng mga suspek. RNT/SA