Home METRO 2 tiklo sa P680K shabu

2 tiklo sa P680K shabu

MANILA, Philippines- Halos P680,000 halaga ng shabu ang nasabat mula sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang Chinese national sa Ermita, Manila, base sa Manila Police District (MPD) nitong Linggo.

Kinilala ng MPD ang mga suspek na sina Welby Chua, 47, residente ng Malate, Manila, at Reniel Ashley Batle, 22, residente ng Quezon City.

Base sa police report, nadakip ang mga suspek sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives ng MPD Ermita Police Station 5 bandang alas-10:30 ng gabi noong Setyembre 13, sa kahabaan ng Kalaw Street corner Bocobo Street, Barangay 666 sa Ermita, Manila.

Halos 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa drug suspects.

Sinabi ng mga pulis na mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA