Home METRO Mga manggagawa sa Calabarzon, C. Visayas makatatanggap na ng dagdag-sahod

Mga manggagawa sa Calabarzon, C. Visayas makatatanggap na ng dagdag-sahod

MANILA, Philippines- Makakatanggap na ng dagdag sa minimum wage ang mga manggagawa mula sa CALABARZON at Central Visayas, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Kasunod ito ng pag-apruba ng Regional Tripartite and Productivity Board sa dagdag na P21 hanggang P75 kada araw na bayad para sa mga manggagawa sa Region 4A at P33 hanggang P43 kada araw sa Central Visayas.

Dahil sa dagdag-sweldo sa CALABARZON, magiging P425-P560 na arawang sweldo habang sa Central Visayas naman ay magiging P453-P501ito.

Inilabas ang wage order kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Labor Day sa RTWPB na suriin ang regional minimum wage rates bago ang anniversary dates ng nakaraang wage increase.

Ang huling wage orders para sa manggagawa sa Region IV-A at Region VII ay naging epektibo noong Sept. 24, 2023 at Oct. 1, 2023.

Epektibo sa September 30 ang bagong minimum wage para sa CALABARZON habang October 2 naman sa Central Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden