
STA. CRUZ, LAGUNA — Nasabat ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 4A at Santa Cruz Municipal Police Station Drug Enforcement Unit ang mahigit P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Gatid noong Marso 17, 2025.
Naaresto ang dalawang itinuturing na high-value drug personalities na kinilalang sina alias Leovigildo, 38, at alias Allan, 45, parehong residente ng Barangay Biñan, Pagsanjan, Laguna.
