Home METRO Durugistang guro, timbog ng PDEA

Durugistang guro, timbog ng PDEA

Isang guro sa isang pampublikong paaralan sa Kalamansig, Sultan Kudarat, ang inaresto sa isang buy-bust operation noong Marso 16, ayon sa PDEA-12.

Kinilala ang suspek bilang “alias George,” 37, na nahuling nagbebenta ng shabu sa isang undercover agent bandang alas-8 ng gabi.

Nasamsam sa kanya ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000.

Matagal na umanong minamanmanan ng mga pulis ang suspek at hindi na ito nanlaban sa pag-aresto.

Sasampahan siya ng kaso sa ilalim ng RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT