ILOILO CITY- Nasabat ng Iloilo City Police Office-Drug Enforcement Unit (ICPO-CDEU) ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon mula sa dalawang tulak sa isang buy-bust operation sa lugar na ito nitong Martes.
Sinabi ng mga pulis na ang mga suspek na kinilalang sina Jojo at Nonoy, kapwa residente ng bayan ng Tigbauan sa Iloilo at itinuturing na high-value individuals sa illegal drugs trade, ay nakuhanan ng 200 gramo ng shabu sa Barangay Q. Abeto, Mandurriao District.
“This accomplishment speaks of your determination and the result of the community’s active support and participation,” ayon kay Police Regional Office-6 chief Police Brig. Gen. Jack Wanky. RNT/SA