MANILA, Philippines- Nagkainitan sa plenary hall nitong Martes hinggil sa pagpapairal ng resolusyon na naglalayong isama ang 10 Embo barangays sa dalawang legislative districts ng Taguig at Pateros, na kumukumpirma sa karagdagang bilang ng konsehal sa mga nasabing lugar para sa patas na representasyon.
Naganap ang palitan ng mga salita sa pagitan nina Sen. Alan Cayateno, may akda ng nasabing panukala, at dating Senate President Juan Miguel Zubiri.
Bago matapos ang sesyon, inihayag ng dalawa ang kani-kanilang panig. Kinuwestiyon ni Zubiri kung bakit tatalakayin ang panukala, gayong hindi ito kasama sa daily agenda.
“First of all, I don’t know anything about this bill. It just came out of the air. This is a concurrent Senate resolution, this is not a simple resolution,” wika ni Zubiri.
Base sa dating Senate chief, ayaw niyang i-“disenfranchise” ang sinuman, subalit iginiit na dapat dumaan sa tamang proseso ang nasabing panukala.
Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Zubiri, at inaming mali na nagtaas siya ng boses sa kasagsagan ng argumento.
“Again, if I raised my voice, it’s because I was… it didn’t have to go that way and I apologize if I raised my voice. What I’m saying is that if it will help you, we can take it up tomorrow. My only concern is that I was shocked because I was at the top [and] suddenly there are concurrent resolutions about these barangays,” anang senador.
“We don’t wanna be like other establishments na ano lang tayo, in the midnight hour we’re passing measures. No, we’re not like that,” patuloy niya.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Cayetano ang rason kung bakit ayaw na niyang ipagpaliban ang pagpapairal ng nasabing panukala.
“I don’t want to take the risk, you saw the rains today. What if there’s a storm tomorrow and we adjourn? So no one from Embo can run for Congressman? No one can vote? This is a five-page resolution, very easy reading,” giit niya.
Gayundin, humingi ng paumanhin si Cayetano kay Zubiri sa pagtataas din niya ng boses.
Kalaunan sa sesyon, ini-adopt ng Senado ang panukala ni Cayetano. Sa hiwalay na mensahe nitong Martes ng gabi, sinabi niyang sumang-ayon siya “with the explanation that it’s not a creation of a new district and it’s only the sense of Congress.” RNT/SA